Linggo, Enero 8, 2017

Wikang Filipino vs Wikang Ingles

                                WIKANG FILIPINO vs WIKANG INGLES


1. Ang Wikang Filipino ay napakahalaga dahil ito ay ginagamit natin sa pangaraw-araw na pakikipagusap. Bilang isang kabataan, dapat ay hindi natin ito ikahiya kundi dapat itong gamitin at ipagmalaki.   -Jacob Guiterrez

2. Ang Wikang Filipino sa kasalukuyan ay unti-unti ng nawawala dahil sa paggamit ng karamihan sa Wikang Ingles. Bilang Pilipino, dapat natin itong pahalagahan at pagyamanin  at huwag hayaang makalimutan.   -JB Mojica

3.  Ang Wikang Filipino at Ingles ay parehong mahalaga, hindi dapat natin ito ipinagkukumpara. Wikang Ingles na nakakatulong sa pagkuha ng trabaho at Wikang Filipino na sumisimbolo sa ating pagkapilipino.   -Bianca Estabaya

4. Wikang Filipino ang pambansang wika ng ating bansa, kaya dapat mas piliin natin itong gamitin. Ngayon nga sa ating bagong henerasyon ay maraming Pilipino na ang mas tinatangkilik ang wika ng iba. Hindi ito mali ngunit isipin dapat natin ang Wika nating Filipino na naguugnay sa ating mga Pilipino.  -Angel Belleza

5. Sa paglipas ng panahon, ang Wikang Filipino na ating nakasanayan ay unti-unti ng nababago. Bilang mag-aaral ano nga ba ang kaya nating gawin para sa ating wika? Dapat mahalin, pahalagahan at bigyan ito ng halaga -Third Suya

2 komento: